Naaalala mo pa ba, nung bata ka, kung ano ang mga pangarap mo sa buhay? Isa ka ba sa mga taong nagsabi noon: “Gusto kong maging mayaman!” 

Naaalala mo pa ba ang pangarap mong tumira sa malaking bahay? (‘Yung parang mansion!)

1 - Dream home -

… ‘yung bumili ng magarang kotse? (Vroom! Vroom!)

9 - Car loan -

… ‘yung makaikot sa buong mundo? (Gusto kong makita ang Eiffel Tower at Statue of Liberty!) 

… at makapagbigay ng marangyang buhay para sa iyong pamilya?

family

Kumusta ka na ngayon? Natupad mo na ba ang mga pangarap na ito? O kinalimutan mo na sila dahil tingin mo’y malayo na silang maabot?

 

Kung nandito ka ngayon sa Money University, most likely naghahanap ka ng paraan para makamit pa rin ang mga pangarap na ito.

Don’t worry! ‘Yan mismo ang pangako namin: ang tulungan kang ayusin ang iyong financial life para maabot mo ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay.

Sa tulong ng Money University, makikita mo kung ano ang kalagayan mo ngayon sa buhay at kung gaano ka kalapit — o kalayo — sa financial goals na pinangarap mo noon at pinapangarap sa ngayon.

Sa tulong ng Money University, malalaman mo kung paano ka makakapag-impok (Save), kikita ng pera (Earn), at magpapalago ng iyong pera (Invest).

Sa tulong ng Money University, kakayanin mo nang abutin ang pangarap mong dream house, dream car, at dream vacation para sa pamilya mo!

Gagawin natin ito sa paraang simple, praktikal, at epektibo. Bata ka man o matanda, college graduate o hindi, may ipon o wala, walang problema. Gagabayan ka ng Money University in each step of the way.

Sa tulong ng Money University, siguradong magkakaroon ka ng bagong pagtingin sa pera at matututunan ang tama at epektibong paraan para maabot ang mga pangarap mo sa buhay.

Excited? Kung oo, e di simulan na natin ngayon!

 

Rich vs. Financially Free

Magsimula muna tayo sa konsepto ng “rich and financially free”.

Gusto mo bang maging mayaman (rich)?

Being rich is a state of having an abundant supply of money. Ibig sabihin, “rich” ka kung kaya mong bumili ng mga bagay na gusto mong bilhin kahit kailan at kahit saan. “Rich” ka kung hindi ka nagkukulang sa pera. “Rich” ka kung hindi sa iyo problema ang pera. In short, you are rich if you have absolute control over your money.

Pero hindi lahat ng rich people ay financially free. May mga “mayaman” na tatlo nga ang kotse, pero milyon naman ang utang sa bangko at sa credit cards. May mga “mayaman” na Vice President ng malaking kumpanya, pero hindi na halos nakakauwi ng bahay at hindi na nakikita ang pamilya. They may be “rich” but they are not “financially free”.

Ito ba ang gusto mo? Most likely hindi. Karamihan sa atin ang gusto ay maging “rich and financially free.”

Financial freedom, meanwhile, is about having sufficient amount of wealth, without having to work actively and without being tied to the stressful obligations of work. In short, you are financially free if you have absolute control over your time.

Siguradong isa ka sa milyon-milyong Pilipino na ganito rin ang goal sa buhay, that is, to gain absolute control over money and time. Ito rin ba ang gusto mo? Kung ganun, gusto mo ring maging rich and financially free!

Kaya nga bang makamit ito? May mga Pinoy na bang nagawang maging “rich and financially free”?

Tingnan natin ang kwento ni Aling Delia Santos, tubong Leyte, at may-ari ng Dhel’s Peanut Butter business na kumikita ngayon ng mahigit P5 million kada buwan.

 

“Nagsikap ako para sa mga anak ko”

Si Aling Delia o Dhel, tulad ng karamihan ng mga Pinoy, ay walang background sa business at nagmula sa mahirap na pamilya.

“Halos wala kaming makain noong araw. ‘Yung magkasakit nga lang ang mga anak ko, wala kaming pambiling gamot,” she narrated during an interview with ABS-CBN.

Screen Shot 2015-12-01 at 4.58.24 PM

Para may pagkakakitaan, nagtayo siya ng maliit na sari-store at nagbenta ng kendi, bigas, gulay, at iba pang mga pagkain. Nagsimula siya gamit ang maliit na puhunan, na napalago niya dahil sa tuloy-tuloy na pagsisikap.

“Halos P12,000 lang ‘yung puhunan nang nag-umpisa ako. Sa loob ng sampung buwan, naging P60,000.”

Isang araw, malaman niya na isa sa mga kustomer niya ay magsasara na ng peanut butter business dahil nalulugi diumano ito. Hindi alintana ang takot, nagpasya si Aling Dhel na i-takeover ang business at dun na nabuo ang kanyang bagong negosyo na Dhel’s Peanut Butter.

Mula sa puhunang limang sako ng mani, umaabot na ngayon sa 250 sako ng mani ang ginagamit nila bawat delivery. Ayon kay Aling Dhel, kumikita ang peanut butter business niya ng mahigit P5 million buwan-buwan.

“Hindi ako nalulungkot ngayon, natutulog akong nakangiti at masaya ako. Nagtagumpay ako at mabibigyan ko ng magandang buhay ang mga anak ko. Sila kasi ang dahilan kaya nagsikap ako,” masayang paglalahad ni Aling Dhel.

Kahit anak-mahirap at walang background sa business, kinaya ni Aling Dhel na magtagumpay.

Kaya rin ba natin ito? Paano tayo magiging katulad ni Aling Dhel na ngayon ay financially free and happy?

 

Revealed: The 1st C of Financial Freedom and Happiness

Dito sa Money University, matututunan natin ang 5 C’s — representing five simple Action Steps — that will change one’s financial life.

Itong 5 C’s ang “secret formula” ng mga financially free and happy. Limang Action Steps lamang ito — simple at kayang-kayang gawin ng kahit sino.

Gusto mo na bang malaman kung ano ang secret 5 C’s ng mga financially free and happy? Simulan natin sa una.

The 1st C of Financial Freedom and Happiness:

1. Check your current financial state.

‘Yan ang unang step sa financial freedom and happiness. You need to check and find out kung ano ang kalagayan mo sa buhay ngayon. Mukhang simple, pero karamihan ng mga Pilipino ay hindi ito ginagawa.

Bakit nga ba kailangang gawin ang step na ito?

By checking your financial state, makikita mo kung gaano ka kalayo o kalapit sa mga pangarap mo sa buhay.

Kumbaga sa giyera, para manalo kayo, kailangan niyo munang malaman kung sapat ba ang armas at kapabilidad na meron ang batalyon niyo. Hindi kayo basta-basta susugod nang hindi inaalam kung ilan ang inyong sundalo at kung anong armas ang pwede ninyong dalhin. Kung nakita niyong meron kayong kakulangan, kelangan muna itong paghandaan bago sumugod sa laban.

Ganun din sa laban ng buhay. For you to be armed and ready in your journey towards financial freedom and happiness, the first step is to determine your current financial state.

The good news: Mayroon tayong activity to determine your current financial state — right here, right now!

Simple lang: just answer the quiz below to instantly find out your Financial Readiness Score! Pagkatapos mong sagutan ang quiz, malalaman mo ang iyong Financial Readiness Score na magbibigay sa iyo ng idea kung gaano ka nga ba kalapit — o kalayo! — sa goal mong financial freedom and happiness.

Are you ready to take the quiz? Start!

 

Your Financial Readiness Score:  

Results:  

0e - freedom

What’s your Financial Readiness Score? Na-surprise ka ba sa resulta ng iyong Financial Readiness Quiz?

 


 

What’s next?

Whatever your Financial Readiness score is, congratulations! Natapos mo na ang unang step:

The 1st C of Financial Freedom and Happiness:

1. Check your current financial state.

Ngayon may idea ka na kung ano ang pinansiyal na kalagayan mo sa buhay. The next step is to ask yourself if you are satisfied with this.

Masaya ka ba sa current financial status mo?

Kung hindi, tuloy-tuloy ka lang sa Money University! Nasimulan mo na ang unang step, at kung gusto mong maabot ang pangarap mong maging financially free and happy, tapusin mo ang 5 C’s!

Sa totoo lang, ang nagawa mong Financial Readiness Quiz ay isa lang sa iba’t ibang metodolohiya para malaman ang iyong current financial state. Marami pang detalyadong paraan na ibabahagi namin sa iyo para alamin ang kalagayan mo sa buhay.

Kasabay ng pag-alam ng iyong Financial Readiness Score, kailangan mo ring malaman ang value ng iyong:

  • Assets – mga pag-aari na kayang magbigay sa iyo ng pera
  • Liabilities – mga gastusin at pagkakautang na dahilan para maglabas ka ng pera
  • Net Worth – ang maiiwan sa iyo kapag binayaran mo ang lahat ng iyong pagkakautang o liabilities

Ang pagpapalaki ng iyong Net Worth ang isa ngayon sa immediate Action Steps mo. Kapag lumaki ang Net Worth mo, tataas din ang iyong Financial Readiness Score. At habang umaangat ang iyong Financial Readiness Score, papalapit ka nang papalapit sa goal mong financial freedom and happiness!

 

Ngayon, alam mo na kung ano ang 1st C — Check your current financial state. Sana’y maisabuhay mo ito para tuloy-tuloy na ang iyong financial success! 

Matatanggap mo ang susunod naming email 2 days from now at ituturo namin sa iyo ang “2nd C” of financial freedom and happiness. Make sure na buksan at basahin mo ang email na ito!

Before we end, let us congratulate you once more for taking the 1st step to achieving financial freedom and happiness! Kung magpapatuloy ka sa Money University, siguradong tuloy-tuloy na rin ang pagbabago at pag-angat ng iyong buhay! Congrats!

 

Share your thoughts and comments below!

What’s your Financial Readiness Score? Na-surprise ka ba sa results ng iyong Financial Readiness Quiz? Post a comment below and join the discussion!