Kilala mo ba ang mga artistang sina Celia Rodriguez at Cherie Gil?

Screen Shot 2015-07-20 at 9.31.15 AM

Malamang nakita mo na silang lumabas sa TV at pelikula. Alam mo ba na ang panonood sa kanila ay posibleng isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin financially free and happy?

Malalaman mo kung bakit maya-maya.

 

Recap: The 1st C of Financial Freedom and Happiness

Sa ngayon, congratulations muna dahil nagpatuloy ka sa Money University! Mukhang desidido at masigasig ka talagang mabago ang iyong buhay-pinansiyal.

Ngayong araw ay ituturo namin sa iyo kung ano ang ikalawang sikreto ng mga financially successful. Pero bago natin puntahan yan, mag-recap muna tayo. Tingnan natin kung naalala mo pa ang unang secret, ang 1st C of financial freedom and happiness.

Let’s recap what you have learned from the “1st C” article of Money University!

Balikan natin ngayon sina Celia Rodriguez at Cherie Gil. Kapag nakikita mo sila sa TV o pelikula, ano ang nararamdaman mo habang pinapanood ang karakter na ginagampanan nila?

Screen Shot 2015-07-20 at 9.31.15 AM

Naiinis ka ba? Nagagalit sa mga karakter nila?

Tipikal na reaksyon ‘yan habang pinapanood sila na kadalasan ay gumaganap bilang isang mayamang matapobre.

Siguro ang tanong mo ngayon: Paano nakakaapekto ang panonood ko sa kanila sa pangarap kong maging financially free and happy?

 

Process of Manifestation

Ang sagot diyan ay maipaliliwanag ng popular na konsepto sa Psychology na tinatawag na “Process of Manifestation”. Ayon sa Process of Manifestation:

Thoughts lead to feelings. Feelings lead to actions. Actions lead to results.

3.5 - Thoughts Feelings Actions Results

Ibig sabihin, ang mga iniisip natin (THOUGHTS) ang nagdidikta kung ano ang ating nararamdaman (FEELINGS) tungkol sa mga bagay-bagay.

Ang mga pakiramdam na ito ang siyang nag-impluwensiya kung paano tayo kumikilos (ACT).

At ang pagkilos na ito ang nagdidikta kung ano ang resulta (RESULTS) na ating matatamo.

3 - Money Mindset

Thoughts lead to feelings. Feelings lead to actions. Actions lead to results.

Pero ito pa rin siguro ang tanong mo: Paano nga nakakaapekto ang panonood kina Celia Rodriguez at Cherie Gil bilang “mayamang matapobre” sa pangarap kong maging financially free and happy?

Ang sagot: Kung iniisip mo (THOUGHTS) na karamihan ng mga mayayaman ay matapobre, makakaramdam ka ng inis o galit sa mga mayayaman (FEELINGS).

Ang pakiramdam na ito ang isa sa mga posibleng dahilan kung bakit may alinlangan kang kumilos (ACT) na maging mayaman tulad nila.

Dahil hindi ka umaaksyon para magkamit ng pera, ang resulta (RESULTS): Hanggang ngayon, hindi ka pa rin financially free and happy.

Thoughts lead to feelings. Feelings lead to actions. Actions lead to results.

Paano natin maso-solusyonan dito? Paano tayo magiging financially free and happy?

 

Revealed: The 2nd C of Financial Freedom and Happiness

Ang solusyon ay ang ikalawang sikreto ng mga financially successful:

The 2nd C of Financial Freedom and Happiness:

2. Change your Money Mindset.

Money Mindset. Ito ang kabuuan ng pagtingin at mentalidad natin tungkol sa pera. Ang maling Money Mindset ang hadlang sa ating pagkilos para maghangad ng pera. Ang maling Money Mindset ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo financially free and happy.

Kaya dapat na baguhin natin ito. Pero para mapalitan ang ating Money Mindset, kailangan muna nating malaman kung anu-ano ang mga bumubuo ngayon dito.

‘Yan ang gagawin natin sa Money Mindset quiz sa ibaba!

 

Money Mindset Quiz

Ang mga statement sa ibaba ay nagpapatungkol sa pagtingin sa pera. Alin dito ang mga pinaniniwalaan mo? Lagyan ng check lahat ng statements na pinaniniwalaan mo. Kapag tapos na, i-click ang "Submit" para makita mo kung ano ang mga popular na Money Mindset ng mga Pinoy!

 

Negative money thoughts

Ang mga statement na nilagyan mo ng check sa itaas ay ilan lang sa bumubuo ng iyong Money Mindset. Nakita mo rin siguro ang iba pang “money thoughts” ng mga Pilipino. Mas marami ka bang “positive money thoughts” kaysa “negative money thoughts”?

Tulad ng sinasabi ng Process of Manifestation, kapag puno ng “negative money thoughts” ang ating Money Mindset, nagiging sagabal ito para matupad ang pangarap nating maging financially free and happy. Yun din marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, maraming mga Pinoy ang hindi pa rin naaabot ang kanilang mga pangarap.

positive-negative-money-thoughts-mindset

Kaya ang dapat nating gawin:

Tanggalin at palitan ang negative money thoughts na bumubuo sa iyong Money Mindset.

Gawin natin ‘yan ngayon! Simulan nating tanggalin ang isa sa pinaka-popular na negative money thoughts ng mga Pilipino:

Negative Money Thought #1:

Money is the root of all evil.

Isa ka ba sa milyun-milyong Pilipino na naniniwala sa mentalidad na ito?

Sa totoo lang, hindi mo kasalanan ‘yun. Simula nung bata pa tayo, namulat tayo sa pag-iisip na ang pagkakaroon ng maraming pera ay associated sa kasamaan. Sa storybooks, sa telenobela, at sa mga pelikula, kadalasang ipinapakita na ang taong maraming pera ay masama.

Ano ang mga karakter na karaniwang ginagampanan nina Celia Rodriguez at Cherie Gil? Tama, sila nga ang mga “mayamang matapobre” — ang mayamang kontrabida na mapang-api sa bida!

Kaya nagalit ka sa kanila. At iyon marahil ang dahilan kung bakit may alinlangan tayong maging mayaman.

Siguro iniisip natin:

Ayokong maging mayaman kasi ayokong maging masamang tao.

Ayokong maging mayaman kasi ayokong kagalitan ako ng tao.

Isa ka ba sa mga nag-iisip nito?

 

Is money really the root of all evil?

Pero totoo ba na ang pagkakaroon ng maraming pera ay nagdudulot kaagad ng kasamaan? Tama bang isipin na “money is the root of all evil”?

bible-love-of-money-root-of-evil

Bibliya raw mismo ang nagsabi noon, kaya hanapin natin sa Bibliya ang mismong pinagmulan ng katagang iyon. Nasusulat sa 1 Timoteo 6:10:

“For the love of money is the root of all evil.” (Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan.)

Teka, hindi naman sinabi ng Bibliya na “money is the root of all evil.” Ang nasusulat: “For the love of money is the root of all evil.”

“Money” and “Love of money” — may pagkakaiba ang dalawang iyon!

Kung ganun, ang Bibliya na mismo ang nagsasabi na hindi pera, kundi ang “pag-ibig sa pera”, ang nagdudulot ng kasamaan. Dahil walang basehan ang paniniwalang ito, maaari na nating tanggalin ang negative money thought na ito sa ating Money Mindset!

 

Positive money thoughts

positive-money-thoughts-success

Sa halip na patuloy na paniwalaan ang negative money thought na “Money is the root of all evil,” mas mainam na palitan ito ng positive money thought na:

 “Money is just a tool; it all depends on how I use it.” (Ang pera ay isa lamang kagamitan. Depende na sa akin kung paano ko ito gagamitin.)

‘Yan ang kailangan nating gawin. Para maging financially free and happy, dapat mabuo ang Money Mindset natin ng maraming positive money thoughts.

Naniniwala ka ba na ang pera ay kayang makasakit o pumatay ng tao? Parang imposible yata ‘yun. Kasi nga, bagay o kagamitan lamang ang pera. Ibig sabihin, ang epekto ng pera — kung masama o mabuti man — ay depende na sa taong gumagamit nito.

Pwedeng gamitin ang pera para ipambili ng bahay na titirahan ng iyong pamilya. Pwede mo rin itong gamitin para pag-aralin ang iyong anak sa magandang paaralaan o para tumulong sa nangagailangan.

At the same time, pwedeng gamitin ang pera sa kasamaan. Pwede itong ipambili ng alak, yosi, at droga na masama ang idinudulot sa katawan. Pwede itong ipambayad sa hired killers o kidnappers na gagawa ng di kabutihan.

In short, ang kagandahan o kasamaan ng pera ay depende sa taong gumagamit nito.

Kaya simulan nating punuin ng maraming positive money thoughts ang ating Money Mindset! Simulan natin sa pagpapalit ng negative money thought na “Money is the root of all evil” ng positive money thought na ito:

“Money is just a tool; it all depends on how I use it.” (Ang pera ay isa lamang kagamitan. Depende na sa akin kung paano ko ito gagamitin.)

Ganyan isabuhay ang 2nd C of financial freedom and happiness! Tanggalin ang negative money thoughts sa ating Money Mindset at palitan ng maraming positive money thoughts!

 

Pwede bang yumaman ang laki sa hirap?

Tingnan natin ang istorya ng isang Pinoy na hindi nagpadala sa maling Money Mindset kaya naging financially free and happy.

Hindi nakatuntong ng high school si Aling Trining Climaco, taga-Aklan na sa murang edad na 11 ay lumuwas ng Maynila para magtrabaho bilang mangangalakal ng bote, diyaryo, at metal scrap sa isang junk shop.

Screen Shot 2015-12-12 at 4.10.12 PM

Ilang taon ding nagsumikap si Aling Trining bilang mangangalakal ng basura, at ngayon nga’y may sarili na siyang junk shop business! Mayroon na siyang 3 truck na nangungulekta ng basura araw-araw at 6 na empleyado sa tumutulong sa kaniyang negosyo.

Sa basura man nanggagaling ang kaniyang pera, ipinagmamalaki ni Aling Trining na ang perang kinita niya ay nakapagpatayo na ng kanyang 3-storey “dream house” na may halagang P2 million.

Nagsimula mang mahirap at walang pinag-aralan, hindi iyon naging hadlang para makamit ni Aling Trining ang financial freedom and happiness.

Screen Shot 2015-12-12 at 4.06.53 PM

Kung nagpadala siya sa “negative money thought” na ang isang mahirap ay hindi kayang yumaman, tiyak na hindi mararating ni Aling Trining ang naabot niya ngayon.

Kaya tulad ni Aling Trining, para tayo’y magtagumpay, kailangan nating iwaksi ang negative money thoughts na nasa ating Money Mindset at palitan ito ng maraming positive money thoughts!


What’s Next?

Ngayon alam mo na ang ikalawang sikreto ng mga financially free and happy:

The 2nd C of Financial Freedom and Happiness:

2. Change your Money Mindset.

Congratulations! Hangad namin ay maisabuhay mo ito para tuloy-tuloy na ang iyong financial success!

Marami pang “negative money thoughts” ang ipapaliwanag namin sa iyo in the future at tutulungan ka naming punuin ang Money Mindset mo ng maraming “positive money thoughts!” Subaybayan mo lang ‘yan sa Money University!

May bago kaming email na ipapadala namin sa iyo 2 days from now at ituturo naman nito ang “3rd C” of financial freedom and happiness. Kalahati na ‘yan ng secret 5 C’s, kaya magpatuloy ka lang sa Money University, para siguradong tuloy-tuloy na rin ang pagbabago at pag-angat ng iyong buhay!

Make sure you read our next email!

 

Share your thoughts and comments below!

Anu-ano pa ang “negative money thoughts” na meron ang mga Pilipino na tingin mo’y dahilan kung bakit hindi tayo umaasenso?