Alam mo ba na kahit masipag kang mag-trabaho at matiyagang mag-ipon ay posibleng hindi mo pa rin maabot ang mga pangarap mo sa buhay?

Dahil iyan sa “4 killers of financial goals” o ang apat na salot na pumapatay sa mga pangarap mo.

killers-financial-goals

Huwag kang matakot sa kanila. Matutunan mo ngayong araw kung paano matatalo ang killers of your financial goals!

Si Mang Guieb na taga-igib ng tubig

Ipakilala muna namin sa iyo si Mang Guieb.

Tuwing umaga, bitbit ni Mang Guieb ang isang timba na ginagamit niyang pang-igib sa ilog. Pero pansin ni Mang Guieb, kahit maliit lang ang kaniyang dram at malapit lang ang ilog sa bahay, inaabot pa rin siya ng halos kalahating araw sa pagpupuno ng dram ng tubig.

“Takbuhin ko kaya para mas mabilis,” sambit niya isang araw sabay harurot dala ang timba. Pero kahit hingal na hingal si Mang Guieb sa pagbalik-balik sa pag-igib, oras pa rin ang inabot bago niya napuno ang maliit niyang dram ng tubig.

“Punuin ko kaya ang timba na halos umapaw ang laman,” sunod niyang plano, pero ganun pa rin, inabot pa rin siya ng ilang oras bago napuno ang maliit niyang dram ng tubig.

“Wala na yatang solusyon ito,” daing niya isang araw. “Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mapupuno ang dram nang mabilis.”

Tama ba si Mang Guieb? Tingnan mo ang timba na kaniyang ginagamit.

May solusyon ba sa problema niya?

water-container-leak

Revealed: The 3rd C of Financial Freedom and Happiness

Tulad ni Mang Guieb, minsan dumarating din tayo sa panahong parang gusto na nating sumuko. Dahil kahit anong sipag at tiyaga natin sa pagta-trabaho, parang malayo pa rin tayo sa plano nating maging financially free and happy.

Pero tulad din ni Mang Guieb, may solusyon ang ating problema kung alam lang natin ang sanhi nito.

Kay Mang Guieb, kailangan lang niyang palitan ang timba niyang butas-butas. Para sa atin, kailangan nating puksain ang mga bagay na pumapatay sa mga pangarap natin sa buhay.

Ito mismo ang ikatlong sikreto ng financially free Pinoys:

The 3rd C of Financial Freedom and Happiness:

3. Combat the killers of your financial goals.

Ano ang killers of our financial goals? Ang apat sa ibaba ang apat na killers na pumapatay sa mga pangarap natin sa buhay:

Killer #1: Inflation

Killer #2: Utang

Killer #3: Walang ipon

Killer #4: Walang investment

Kilalanin ang Killer #1

Pamilyar ka ba sa inflation, ang killer #1? Sa Economics:

Inflation is the rate at which prices of goods and services increase and as a result, the purchasing value of your money decreases.

Ano raw?

Simple lang ang ibig sabihin nito. Inflation ang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng bilihin sa paglipas ng panahon. At dahil tumataas ang presyo, nababawasan ang value ng pera natin dahil bumababa ang “purchasing power” nito.

Tingnan natin ang isang example para mas maintindhan mo ang konsepto ng inflation at purchasing power. Naaalala mo pa ba ang pamasahe sa dyip nung mga taong 2000?

11 - Jeepney -

Kung sumasakay ka na ng dyip noon, maaalala mo na apat na piso (P4.00) lang ang pamasahe noon.

Mura di ba? Pero magkano na ngayon ang pamasahe sa dyip?

Doble na! Pinakamura na ang walong piso (P8.00) na pamasahe. Ang bilis namang mag-mahal!

 

Paano pinapatay ng inflation ang mga pangarap natin

‘Yan ang epekto ng inflation. Tumaas ang presyo ng gasolina at ng mga kagamitan na kailangan sa dyip noon, kaya kailangang itaas ng mga driver at operator ng dyip ang pamasahe. Kung hindi, malulugi sila at walang kikitain!

Paano nabawasan ang value at purchasing power ng pera mo dahil sa inflation?

Kung dati, ang P8.00 ay makakapagbayad ng dalawang (2) sakay sa dyip, ngayon ito ay sakto lang para sa isang sakay. Hindi nagbago ang pera mo — P8.00 pa rin — pero bumaba na ang value nito kasi kumonti na ang pwede mong mabili.

Habang tumataas ang inflation, bumababa ang value ng pera, at ‘yan ang pumapatay sa mga pangarap natin. Kahit magtrabaho tayo at mag-ipon, kung mas mabilis ang pagtaas ng inflation kumpara sa paglaki ng ating pera, nababawasan lang ang value ng ating pera!

Alam mo ba na ang average inflation sa Pilipinas ay halos 5% taun-taon?

Actually, nagbabago-bago ang inflation rate natin every year. Base sa datos ng World Bank, ang annual inflation sa Pilipinas from 2004 to 2013 ranges from a low of 2.9% to a high of 8.3%.

11 - Philippine Inflation rate

Kung iko-compute ang 10-year average inflation natin, ito ay aabot sa 4.68% o halos 5%.

Ibig sabihin nito, bumababa ng 5% ang value ng pera natin taun-taon.

Sa katunayan, sa loob ng 10 taon, halos mangalahati ang value ng ating pera. Kung meron kang P100,000 noong 2006, ang katumbas na presyo nito ngayon ay P60,000 na lang! Ang sakit naman!

Yan ang dahilan kung bakit sinasabing killer #1 ang inflation. Pinapatay niya ang mga pangarap natin sa buhay dahil binabawasan niya ang value ng ating pera.

11 - Silent Killer 2

 

Labanan ang killer #1

Ang maganda niyan, kilala na natin ngayon ang killer #1. Tulad ni Mang Guieb, pwede na tayong maghanap ng solusyon dahil alam na natin ang sanhi ng ating problema.

Paano nga ba malalabanan ang killer #1?

Para matalo ang inflation, kailangang mas mabilis ang paglaki ng ating pera.

‘Yan ang Action Step na kailangan nating matutunan at isabuhay.

Kung hindi lumalago ang pera natin ng more than 4.68% noong mga nakaraang taon, sa totoo lang, talo tayo ng inflation! ‘Yan ang posibleng dahilan kung bakit kahit todo sikap tayo sa pagta-trabaho at pagi-ipon pero malayo pa rin tayo sa pangarap nating financial freedom and happiness.

Paano natin tatalunin ang inflation? May dalawang (2) posibleng paraan.

 

1. Palaguin ang iyong kita nang mas mabilis sa inflation rate.

Para hindi mapatay ng inflation ang ating financial goals, our incomes should grow faster than the inflation rate. Ibig sabihin, dapat ang kita o sahod natin ay tumataas ng at least 4.68% taun-taon, kung hindi, talo na naman tayo ng inflation!

“Pero ang salary increase ay isang bagay na hindi ko naman nako-kontrol,” I’m sure yan ang iniisip mo ngayon.

Tama yun, pero hindi ibig sabihin nun ay wala ka nang magagawa. Remember the new Money Mindset na natutunan mo sa “2nd C”?

Think positive, because your positive thoughts lead to good feelings which lead to the correct actions and, ultimately, the desired results!

May ibang paraan. At ito ay depende na sa iyo. Check out Option #2 below.

 

2. Mag-invest para kumita ng additional income ang iyong pera.

Maganda ang investments dahil kumikita ito ng pera para sa iyo kahit wala kang ginagawa. Kahit natutulog ka o nagta-trabaho o nagba-bakasyon sa ibang bansa, patuloy na kumikita ang investments mo.

Marami ka pang pwedeng pagpilian, tulad ng stocks, mutual funds, unit investment trust funds, real estate, at kung ano pa.

Kung meron kang sweldo sa trabaho, dagdag pera talaga ang kita sa investments. Kaya laking tulong nito na labanan ang inflation.

Siyempre may mga investments din na pwede kang malugi, pero ituturo namin sa iyo in our succeeding Smart Money Tips kung ano ang magagandang investment options na pwede mong paglagyan ng pera.

Activity: Alamin kung panalo o talo ka ng inflation!

Tingnan nga natin kung nitong mga nagdaang taon ay panalo o talo ka ng inflation. Gamitin ang Money University’s Income Growth Calculator para makita mo kung ikaw ba o ang inflation ang nanalo nitong mga nakaraang taon!

Step 1. Ilagay ang iyong current monthly salary o sahod. Kung may iba ka pang sources of income (halimbawa, kita sa investments, iba pang pinagkakakitaan, etc.), idagdag mo ito at ilagay sa “Step #1” section below.

Step 2. Alalahanin kung magkano ang natatanggap mong monthly salary noong mga nakaraang taon. Kung halimbawa nagsimula kang mag-trabaho 7 years ago, input that starting salary in the “Step #2” section.

(Kung hindi mo maalala ang dati mong sahod, balikan ang luma mong payslips kung meron ka pa o magtanong sa Human Resources department ninyo.)

Step 3. Ilagay ang total number of years sa pagitan ng starting income mo noon at income mo ngayon. For example, kung sa Step 1 ang inilagay mo ay ang sahod mo nitong 2015 at sa Step 2 ay ‘yung sahod mo noong 2008, ang total number of years lapsed ay 7 years.

Iko-compute na ng Income Growth Calculator ang iyong annual income growth rate at malalaman mo kung panalo o talo ka ng inflation. Ano ang annual income growth rate na nakuha mo?

 

[CP_CALCULATED_FIELDS id=”7″]

 

The goal is to have an annual income growth rate of at least 4.68%.

Ibig sabihin, kung mas mababa sa 4.68% ang paglaki ng sahod mo taun-taon, talo ka ng inflation! Inflation beat you because you suffered the NEGATIVE effect of reducing the value of your money.

Assuming ang annual income growth mo ay 5%, congratulations! Hindi kinain ng inflation ang pera mo.

Pero panalo ka man, hindi rin lumaki halos ang pera mo. Kumbaga, sumabay lang ang pagtaas ng kita mo sa pagtaas din ng inflation. Umakyat nga ang sahod mo, pero maliit na 0.32% net growth lang ang nakuha mo. Ang liit di ba?

11 - Net effect of Inflation

‘Yan ang dahilan kung bakit kailangan nating humanap ng paraan para malabanan ang inflation.


 

What’s next?

Ngayon natutunan mo na ang iba’t ibang killers of our financial goals at ang mga simpleng paraan para labanan ang inflation, ang killer #1.

May iba pang killers na kailangan mong talunin — Killer #2 (Utang), Killer #3 (Walang ipon), at Killer #4 (Walang investment) — but for now, we encourage you to remember the secret 3rd C of the financially free and happy:

The 3rd C of Financial Freedom and Happiness:

3. Combat the killers of your financial goals.

Hangad namin ay maisabuhay mo ito para tuloy-tuloy na ang iyong financial success!

Two (2) days from now, matatanggap mo ang bago naming email na magtuturo naman sa iyo ng “4th C of financial freedom and happiness.”

Sa email na ito, bibigyan ka rin namin ng FREE access sa Money University’s Online Freedom Apps that will help automate the tracking of your personal financial goals. So make sure you read our next email para ikaw na ang susunod na magiging financially free and happy Pinoy!

 

Share your thoughts and comments below!

Panalo o talo ka ba ng inflation? Mas mataas ba sa 4.68% ang annual income growth rate mo?