“Hindi ko naman pinangarap na maging mayaman. Ang pinangarap ko lang, yung maiba ang buhay ko.”

Ganito inilarawan ni Mang Eric Redulfin, isang probinsiyano na ngayo’y multi-milyonaryo, ang kanyang pangarap sa buhay.

Screen Shot 2015-12-22 at 10.48.45 PM

Laking probinsiya at sanay sa hirap, may-ari ngayon si Mang Eric ng The Net.com, isang internet shop na may 60 branches sa buong Pilipinas. Hindi maikakailang milyonaryo na nga — at malayo na ang narating — ng dating janitor at bagger sa isang supermarket.

Tipikal na rags-to-riches ang istorya ng buhay ni Mang Eric. Tubong Nueva Viscaya, lumaki siyang malayo sa karangyaan at kaginhawahan ng siyudad.

“Nung nasa grade school pa ako, wala pong kuryente sa amin. Ang ilaw doon, gasera lang ang ginagamit para makapag-aral.”

Pero hindi iyon naging hadlang para magkaroon siya ng determinasyon na baguhin ang kanyang buhay. Lumuwas ng Maynila si Eric para mag-aral ng kolehiyo. Para matustusan ang pag-aaral, nag-working student siya at nagtrabaho bilang janitor at bagger sa isang supermarket.

“Mahirap po talaga yun, pero talagang pinagsumikapan ko. Natatandaan ko, ‘yung paa ko dati napa-pasma, kasi pagod ka pero magma-mop ka at mababasa.”

Di kalaunan, nakapagtapos si Eric ng kursong Electronics and Communications Engineering. Ang pagkahilig na ‘yun sa computers ang ginamit niyang susi sa tagumpay. Nagsimula sa isang computer shop lamang, nagawang palakihin at paramihin ni Eric ang kaniyang internet shop na pinangalanan niyang The Net.com. Ngayon may 60 outlets na ang The Net.com sa buong Pilipinas na kumikita ng milyun-milyon buwan-buwan!

Para kay Eric, ang tagumpay niya ay bunga ng isang munting pangarap na kanyang binuo at pinagsumikapang abutin.

“Hindi ko naman pinangarap na maging mayaman. Ang pinangarap ko lang, yung maiba ang buhay ko,” kuwento niya. “Naranasan ko kasi ang hirap ng buhay sa bukid. At naisip ko, kung babalik man ako doon, iba na.. iba nang Eric ang babalik sa probinsiya namin.”

Tulad ni Mang Eric, lahat din tayo ay mayroong mga pangarap. Pero paano nga ba natin tutuparin at aabutin ang mga ito?

 

Revealed: The 4th C of Financial Freedom and Happiness

‘Yan ang malalaman natin ngayong araw. Ito ang “4th C of Financial Freedom and Happiness” na magtuturo sa atin kung paano tayo magiging katulad ni Mang Eric na naabot ang pangarap sa buhay.

Bakit nga ba, hanggang ngayon, ay hindi pa rin natin natutupad ang plano nating maging financially free and happy?

Dahil ba tamad tayo at hindi nagsisikap?

Hindi naman siguro, dahil todo-kayod naman tayo kung mag-trabaho.

Dahil ba nanggaling tayo sa mahirap at hindi nabibigyan ng oportunidad na yumaman?

Parang hindi rin, dahil pinatunayan nina Mang Eric, ni Aling Trining na may sariling junk shop business ngayon, at ni Aling Dhel na kumikita buwan-buwan ng P5 million, na posibleng baguhin ang buhay kahit laki sa hirap.

Kung ganun, baka dahil hindi kongkreto ang pangarap natin sa buhay at hindi malinaw kung ano, kelan, at paano natin ito aabutin? Posible.

At ‘yan nga ang pang-apat na sikreto ng mga financially successful:

The 4th C of Financial Freedom and Happiness:

4. Create SMART goals.

 

SMART ba ang goals mo?

Hindi sapat na may pangarap ka sa buhay. Ang kailangan, SMART ang mga pangarap o goals mo sa buhay. Ibig sabihin ng SMART:

S – Specific

M – Measurable

A – Attainable (o Achievable)

R – Realistic

T – Time-bound

Screen Shot 2015-12-31 at 3.52.46 PM

Hindi sapat na sabihin lang: “Gusto kong yumaman!”

Dapat alam natin kung magkano talaga ang gusto nating makamit para masabi nating “mayaman” na tayo at kung kelan natin ito balak abutin.

Hindi rin sapat na sabihin lang: “Gusto kong mabili ang dream house ko in 10 years!”

Dapat puno ito ng detalye para alam natin kung magkano ang dapat nating pag-ipunan at kung hanggang kailan natin ito pag-iipunan.

 

SMART Goal example: Buying your dream house!

Sige, let’s do this exercise! Gawin nating SMART goal ang pangarap mong dream house!

Make your goal SPECIFIC.

 

Unang-una, gawin mo itong Specific. Halimbawa, saan mo gustong tumira: sa probinsiya o sa siyudad? On average, mas mahal ang presyo ng mga lupa’t bahay sa siyudad tulad ng Maynila, Cebu, o Davao kumpara sa probinsiya.

Gaano kalaki ang bahay na gusto mo? 200 square meters o 1,000 square meters? 1 floor lang ba o 2 floors? May garahe para sa kotse?

Ang mga bagay na ito ay nakakapagpabago ng presyo ng bahay. Pag-isipan at pag-planuhan ang kongkretong detalye ng dream house mo. Make your dream house plan specific.

 

Make your goal MEASURABLE.

 

Kapag may detalye ka na ng iyong bahay, pwede nang maging Measurable ang goal na ito. Base sa specific details of your dream house, magkano kaya aabutin ito?

May iba’t ibang paraan para malaman mo ang sagot. Pwede kang:

  • makipag-usap sa isang real estate agent o sa isang arkitekto na may alam kung magkano ang presyo ng dream house mo;
  • maghanap at i-compare ang presyo ng katulad na bahay na naka-advertise sa diyaryo o sa online classified ads websites; o di kaya’y
  • bumisita sa lugar na gusto mong makabili ng dream house at magtanong kung magkano ang presyo ng mga ibinebentang bahay at lupa doon.

Gawin mo yun at siguradong magkakaroon ka ng ideya kung magkano ang presyo ng dream house mo. Posible itong kalahating milyon, P1 million o P5 million. Ngayon, measurable na ang goal mo.

 

Make your goal ACHIEVABLE and TIME-BOUND.

 

Pero hindi doon nagtatapos ang paggawa ng SMART goal. Dapat Achievable at Time-bound rin ito. Magka-konekta ang dalawang konseptong ito.

Achievable ang isang pangarap kung kaya mo itong abutin sa takdang panahon na gusto mo. Kaya kelangang Time-bound o may kaakibat na oras ang SMART goal mo.

Halimbawa, kailan mo balak bilhin ang iyong dream house? Pagkatapos ng limang taon? After 10 years? O after 20 years? Ikaw ang mag-decide basta ang importante, mayroon kang timeframe kung kelan mo ito balak tuparin.

 

Make your goal REALISTIC.

 

Lastly, a good SMART goal has to be Realistic. Ibig sabihin, you must consider the impact of inflation in the cost of your goal. Naalala mo pa ba ang inflation sa 3rd Secret na 3C – Combat the killers of your financial goal?

Kung P1 million ang presyo ng dream house mo ngayon, hindi realistic kung iisipin mong P1 million pa rin nito makalipas ang ilang taon. Dahil sa inflation, posibleng lampas na sa P1 million ang presyo nito kapag gusto mo na itong bilhin.

Assuming ang timeframe mo sa pagbili ng bahay ay 18 years, alam mo ba na ang isang bahay na worth P1 million ngayon ay lampas P2 million ang presyo after 18 years? The same house that costs P1 million today is going to cost you P2.02 million to be exact!

Ano’ng ibig sabihin nun? Kahit nakaipon ka ng P1 million sa loob ng 18 years, hindi mo na mabibili ang dream house mo kasi tumaas na ang presyo!

Yan ang dahilan kung bakit hindi sapat na may simple goals ka lang. Ang dapat na meron ka: SMART goals. Goals that are specific, measurable, achievable, realistic, and time-bound.

Take note, yan mismo ang ika-apat na sikreto ng mga successful Pinoys:

The 4th C of Financial Freedom and Happiness:

4. Create SMART goals.

 

Create your SMART Goal now!

Gusto mo ba ng simpleng paraan para makagawa ng isang SMART goal?

Yan ang opportunity na ibibigay sa iyo ngayon ng Money University. We’ll give you free access to the Money University app para madali kang makagawa ng isang SMART goal!

Click this link to get FREE and EXCLUSIVE access to the Money University’s Online Freedom apps! All you need to do is register for free. Limited offer ito kaya take advantage of it and sign up right now!

Register here: FREE Access to Money University’s Online Freedom Apps

 

Kapag may free access ka na, sundan ang easy step-by-step instructions sa ibaba para magawa mo ang iyong SMART goal.

Step #1: Make sure you are logged in to Money University’s Online Freedom apps (click here to login).

I-click ang “Set New Goal” button sa Dashboard o ang “Set New Goal” link na matatagpuan sa dropdown menu ng “My Goals” menu sa top header.

Set new goal

 

Step #2: Mag-isip ka ng bagay na gusto mong bilhin o abutin sa loob ng 6 months. Posible itong bagong cellphone, bagong kotse, regalo para sa anak mo, o dream vacation para sa pamilya mo. Make it specific! (Example: “5-Day vacation in Hong Kong with family” o “New cellphone – iPhone 6S” o “Capital for business”)

Ilagay mo ito sa section “1. What’s your Goal?” Kung may naipon ka nang pera para sa goal na ito, ilagay mo naman ito sa “Amount already saved.”

Sa example natin sa ibaba, ang goal niya ay makaipon ng kapital para sa business na gusto niyang itayo, kaya ang inilagay niya “Capital for business.” Mayroon na siyang naipon na P2,500 para sa goal na ito at inilagay niya ito sa “Amount already saved” section.

Goal Compute

 

Step #3: Sagutan mo rin ang section “2. What’s the actual cost of your goal right now?” sa Money University Online Freedom app. Ito ang presyo ng goal mo ngayon.

Kung ang pinag-iipunan mo ay isang dream vacation, i-research mo sa website ng Cebu Pacific o Philippine Airlines, halimbawa, kung magkano ang flights and accommodation sa lugar na gusto mong puntahan.

Kung bagong cellphone naman ang pag-iipunan mo, pwede mong tingnan ang presyo nito sa website ng Smart o Globe o magtanong sa mga tindahan na nagbebenta ng cellphone na gusto mo.

Sa example natin sa taas, gusto niyang makaipon ng P50,000 para maging kapital ng kaniyang business, kaya yun ang inilagay niyang amount sa “2. What’s the actual cost of your goal right now?”

 

Step #4: Tulad ng natutunan natin kanina, ang SMART goal ay dapat Time-bound. Kaya pag-isipan mo ang timeframe ng goal mo, that is, kung kailan mo ito sisimulang pag-ipunan (Start) at kailan mo ito balak mabili o tuparin (End). Ilagay mo ang starting and ending dates na ito sa section “3. What’s your timeframe for this goal?”

 

Step #5: Finally, para Realistic ang SMART goal, dapat i-consider ang impact ng inflation. Don’t worry, automatic na itong gagawin for you ng Money University Online Freedom app! By default, 5% ang assumed inflation rate sa Online Freedom app, pero pwede mo itong baguhin kung gusto mo.

 

Kung wala ka nang gustong baguhin o idagdag tungkol sa goal mo, simply click the “Compute” button. Instantly, you will see on the right, kung ano ang inflation-adjusted cost ng goal mo. Ang galing di ba?

Kung may inilagay kang “Amount already saved”, makikita mo na nabawas na ito sa “Inflation-adjusted cost of your goal” at ang dapat mo na lang pag-ipunan ay ang “Remaining Cost of your Goal”.

Ngayon alam mo na kung magkano ang kailangan mong pagsikapang ipunin para matupad ang pangarap mo!

Goal Compute

Make sure you click the “Save this Goal” button para ma-save sa account mo ang inilagay mong dream goal.

Gusto mong malaman kung magkano ang dapat mong pag-ipunan buwan-buwan para tuluyan nang makamit ang inilagay mong dream goal? Matatagpuan mo ito sa link na “View Goal Breakdown Report” na nasa dropdown ng “My Goals” menu.

Sa section na ito, makikita mo ang “Monthly Savings Goal Breakdown” o ang amount na kailangan mong pag-ipunan sa bawat buwan para maabot ang iyong dream goal. Ang dali na ngayong malaman kung magkano ang dapat mong pag-ipunan buwan-buwan!

View Goal Breakdown Report - monthly

Para makita at ma-track mo ang iba mo pang Saved Goals, i-click ang “View/Edit Goals” link sa dropdown ng “My Goals” menu sa header. Dito mo makikita ang iyong monthly progress at ang summary ng iyong monthly savings goal. In our succeeding articles, we’ll tell you how to allocate your monthly savings and how to complete your progress (from 0 to 100%) for each goal.

View Edit Goals page

Anytime na gusto mong gamitin ang Online Freedom Apps, mag-login ka lang dito.

Kamusta ang paggamit mo ng Online Freedom Apps ng Money University? Automatic, user-friendly, and very useful di ba? Kung mayroon kang tanong o suggestion tungkol sa Online Freedom apps, just post a comment below.

Kita mo naman, tutulungan ka talaga ng Money University na abutin ang goal mong maging financially free and happy!

 


 

What’s next?

Ngayon alam mo na (at na-apply pa!) ang secret 4th C ng mga successful Pinoys:

The 4th C of Financial Freedom and Happiness:

4. Create SMART goals.

Hangad namin ay maisabuhay mo ito para tuloy-tuloy na ang iyong financial success!

Excited ka nang malaman ang “5th C of financial freedom and happiness”? Matatanggap mo ito 2 days from now. Isa na lang at kumpleto mo na ang secret 5C’s of financial freedom and happiness!

Make sure you read our next email para ikaw na ang susunod na Pinoy na financially free and happy!

 

Share your thoughts and comments below!

Ano ang SMART goal mo? A brand-new motorcycle na mabibili mo in cash this year? A luxurious Boracay vacation with the entire family next year? Maka-ipon ng 1 million pesos after 5 years? I-share at i-post dito para magkatotoo!