Naaalala mo pa ba, noong bata ka, inisip mo: “Balang araw, magiging mayaman din ako!” 

Nung may nakita kang malaking bahay at sinabi mo: “Pagdating ng araw, titira rin ako sa mansion!”

1 - Dream home -

Ginusto mo rin noon na makabili ng magarang kotse…

9 - Car loan -

makaikot sa buong mundo… 

… At siyempre, mabigyan ng marangyang buhay ang iyong pamilya.

family

Malapit mo na bang maabot ang mga pangarap na ito?

Kung hindi pa, ok lang kasi gagabayan ka ng Money University para matupad ang mga ito. Alam mo bang nasa dulo ka na ng 5C’s of Financial Freedom and Happiness?

Hangad namin na natutunan at naaalala mo ngayon ang unang apat na sikreto ng mga financially free na Pinoys. Balikan nga natin kung tanda mo pa ang first 4C’s!

Do you remember the first 4C’s?

 

Revealed: The 5th C of Financial Freedom and Happiness

Posible ba talagang maging financially free and happy sa Pilipinas?

Ang aming sagot: Siyempre naman!

Pero alam mo rin siguro na kaakibat nito ang masusing pagpa-plano, pagtitiyaga, at pagsisikap. ‘Yan mismo ang ika-limang sikreto ng mga financially free na Pinoys. Ito ang “5th C” na isinabuhay at patuloy na isinasabuhay ng mga Pinoy na ngayon ay financially successful.

The 5th C of Financial Freedom and Happiness:

5. Commit to be financially free and happy.

Commitment. Kumbaga sa pag-ibig, ito ang ipinapangako mo araw-araw sa taong mahal mo. Ito rin ang kailangan mong ibigay at ipangako sa sarili mo kung gusto mong maabot ang plano mong financial freedom and happiness.

 

Financially free and happy Pinoys

Nakita natin ang commitment kina Aling Dhel, Trining, at Mang Eric. Nagsimula man sa pagiging mahirap, pinatunayan nilang kayang-kayang tuparin ang kahit anong pangarap.

Screen Shot 2016-05-22 at 12.33.23 PM

 

Si Aling Dhel, walang background sa business pero nagtayo ng sari-sari store gamit ang maliit na puhunan. Kahit maliit ang kita sa tindahan, araw-araw niyang pinagsikapang palaguin ang kanyang negosyo. Di kalaunan, lumaki ang kanyang business at ngayo’y may-ari na siya ng Dhel’s Peanut Butter business na kumikita ng P5 million buwan-buwan.

Si Aling Trining, bata pa lang ay nagbanat na ng buto. Sa murang gulang na 11, hindi alintana ang baho at dumi, araw-araw na pagkalkal at pangangalakal ng basura ang kanyang pinagkaabalahan. Ngayon, siya na mismo ay may sariling junk shop business at nakapagpatayo na ng P2 million na dream house.

Si Mang Eric, nag-working student noong college para mapag-aral ang sarili. Hindi nahiyang pumasok bilang bagger at janitor sa isang supermarket matustusan lamang ang kaniyang pag-aaral. Tiyaga, determinasyon, at tibay ng loob ang naging puhunan para itayo ang kaniyang unang internet shop. Ngayon, may-ari na si Eric ng 60 internet shops sa buong Pilipinas na kumikita ng milyun-milyon buwan-buwan.

May isa pa kaming dagdag na kuwento. Ito ang kuwento ni Bobit Ebarle, isang dating OFW na ngayo’y may sarili nang business sa Pilipinas at naging financially free by the age of 27.

– Bobit E.
Dating OFW, now financially free at age 27

Isa akong dating OFW na nag-trabaho sa Singapore. In 2011, I decided to come home kasi gusto ko talagang magtayo ng negosyo sa Pilipinas. Mahirap pala magsimula ng negosyo! I struggled for 3 years. May mga buwan na wala man lang income at all from the business.

Buti na lang bago ako nagsimula, mahigit 5 years ko ring inaral ang tamang pag-manage sa pera, paano kumita nang mas malaki, paano i-reduce ang expenses, at paano palaguin pa lalo ang pera through investing.

Kaya kahit hindi pa rin kumikita ang business ko during the first 2-3 years, hindi ako nagkaproblema sa pera. In-apply ko lang ang mga natutunan kong tamang money habits. Halimbawa nito ay kung paano hindi mabaon sa utang. ‘Yung mapalaki ang kita at maparami ang sources of income. ‘Yung maghanap ng maayos na investments para lumago ang pera at hindi malugi. Siyempre pa, ‘yung gumawa ng SMART goals.

Committed talaga ako na maging financially free. Sabi ko sa sarili ko, kahit anong mangyari, kakayanin ko para matupad ang mga pangarap ko sa buhay! Bagama’t mas madaling sumuko at maging OFW na lang ulit, nagsikap at nag-commit talaga ako.

Ngayon, mayroon na akong several successful businesses. I no longer have to work 8 to 5. I don’t have to be stuck in traffic every day, at sa totoo lang, pwede akong mag-mall o magbakasyon anytime I want. Ito pala ang ibig sabihin ng freedom!

I am now giving ₱15,000 every month to my parents para makatulong sa kanila. Nakabili na ako ng kotse in cash at magpapagawa na rin ng sariling bahay — all by the age of 27!

Inabot man ako ng 5 years para matutunan kung paano maging financially free at nag-struggle for another 2-3 years sa negosyo, OK lang kasi iba ang pakiramdam pag nakamit mo na ang iyong mga pangarap sa buhay. Ibang klase talaga pag committed kang maging financially free and happy!

 

Alam mo bang isa si Bobit sa founders ng Money University at posibleng maging financial coach mo para ikaw na ang susunod na maging financially free Pinoy?

 

Ready ka na bang mag-commit?

Kasama nina Aling Dhel, Trining, Mang Eric, at Bobit, iniimbitahan ka ngayon ng Money University na tuparin ang iyong commitment na maging financially free and happy.

Natapos mo na ang 5C’s, pero hindi natatapos sa loob ng 20 minuto ang paglalakbay mo para maabot ang lahat ng iyong pangarap. Kahit sina Aling Dhel, Trining, Mang Eric, at Bobit, hindi lang 20 minutes ang inilaan para ayusin ang kanilang buhay.

May choice ka nang magsimula ngayon. You must know that all great things start from small beginnings.

Kaya kung ready ka na, commit to change your life beginning today!

 

Exercise: Commit to be financially free and happy

Simulan natin sa isang easy-to-do exercise. Dun ka muna mag-commit sa mga simpleng bagay, huwag muna sa mga malalaking pangarap na posibleng abutin ka ng ilang taon bago maabot.

Minsan kasi, kapag matagal bago nakukuha ang isang bagay, nararamdaman mo ang hirap at nawawalan ka ng gana para magpatuloy na abutin yun.

Kaya simulan natin sa pagsagot ng tatlong simpleng mga tanong na ito:

 

1. Ano?

Ano nga ba ang gusto mong magawa o mabili in the next 3 months? Mag-isip ka ng isang bagay — oo, isa lang muna — na gustong-gusto mong makuha sa loob ng 3 buwan. Wag munang pagsabay-sabayin para tutok ka lang sa pag-abot ng isang bagay na gusto mo.

Ano ito? Bagong damit? Bagong rubber shoes? Brand-new smartphone? Bakasyon sa beach? Pili ka kung ano itong gusto mong makamit sa loob ng susunod na 3 buwan.

Screen Shot 2016-05-22 at 12.53.20 PM

2. Bakit?

Base sa scientific studies, mas madaling makamit ng isang tao ang kanyang pangarap kung alam niya ang dahilan o “purpose” kung bakit niya ito ginagawa. Kaya pag-isipan mo kung bakit nga ba gusto mong mabili o magawa yung plano mo sa No. 1.

Para ba ito sa anak mo na humihingi ng bagong rubber shoes kasi malapit na ang birthday niya? O para sa pamilya mo para makapag-bakasyon kayo sa Boracay at maging masaya ang inyong summer? O para sa sarili mo as a reward for the promotion you got?

Ano man ang dahilan, magandang maisip mo ang “point” o “purpose” of the goal para meron kang source of inspiration and motivation na abutin yun in the next 3 months.

 

3. Paano?

Ito na ang totoong “action steps” mo. Kailangang may kongkretong plano ka para abutin ang goal na napili mo. Mag-identify ka ng 1-3 specific action steps para maabot ang plano mo. Again, be specific!

Sample action steps:

  1. Pagkatanggap ko ng sweldo, magtatabi ako ng P1,500 kada buwan at hindi ko na ito gagalawin hangga’t hindi ko nabubuo ang P4,500 na pambili ng rubber shoes ng  anak ko.
  2. Magbabaon ako ng lunch twice a week para makatipid ng konti, di tulad ng dati na araw-araw ay sa restaurant ako nagla-lunch.

 

Sa susunod na 3 buwan, paulit-ulit mong balikan ang action plan na Ano / Bakit / Paano para siguradong maabot ang pangarap mo!

Indeed, great things start from small beginnings. Kapag natupad mo na ang plano mo in the next 3 months, you’re ready to achieve bigger goals very soon!

 


 

Commit to be a financially free and happy Pinoy

Congratulations! Natapos at natutunan mo na ang lahat ng secret 5C’s ng financial freedom and happiness. Naaalala mo pa ba ang ika-limang secret C?

The 5th C of Financial Freedom and Happiness:

5. Commit to be financially free and happy.

Hindi nagtatapos sa 20 minuto ang paglalakbay para makamit ang financial success. Mahaba-haba pa ang daan na iyong tatahakin. Pero ang maganda nito, nagsimula ka na ngayon. You’re on your way para maging financially free and happy!

Don’t worry, hindi rin dito nagtatapos ang pagtulong sa iyo ng Money University. You’ll continue to receive our emails containing Smart Money tips, personal finance guides, and inspiring stories of successful Pinoys every week.

Mula dito sa amin sa Money University, hangad namin na ikaw na ang susunod naming iku-kuwento na financially free and happy Pinoy!

0e - freedom

 

Share your thoughts and comments below!

Simulan mo today ang iyong commitment to be financially free and happy! Mag-comment below and i-share ang 3-month goal mo! Gamitin ang format na ito sa pag-post:

I commit to achieve this goal within the next 3 months!

Ano: ____________________________

Bakit: ____________________________

Paano: ______________________________